PINOY MANIA FORUM SITE
WELCOME TO PINOY MANIA FORUM!
NEW HERE? PLEASE REGISTER NOW!


MEMBERS PLEASE LOGIN
THANK YOU!

PINOY MANIA FORUM SITE

POWERED BY: www.uzzapmania.evenweb.com
 
HomeGamesFAQRegisterLog in

Share | 
 

 tawa na lang tayo...1

Go down 
AuthorMessage
mr.like
Moderator
Moderator
avatar

Posts : 257
Join date : 24/12/2010
Age : 24
Location : blk6 lot31 medna ville bf ave san isidro angono rizal

PostSubject: tawa na lang tayo...1   Sat Jan 08, 2011 8:53 pm

Registered nurse si Maria sa States. Kasama nya
ang kanyang ina na nagpagamot din doon. Namatay
ang ina nito. Dahil sa kamahalan ng pamasahe
pabalik sa Pilipinas, nagtipid si Maria. Pinauwi
na lang niya ang kabaong ng kanyang ina na mag-isa.

Pagdating ng kabaong, napansin ng mga kapamilya
niya na dikit ang
mukha sa salamin ng ataul. Nagkomento tuloy and
isang anak, Ay, naku! Tingnan
mo 'yan... hindi sila marunong mag-ayos ng
bangkay sa Amerika!

Upang ayusin ang itsura ng bangkay, binuksan ang
kabaong. Aba! May sulat sa dibdid ng ina. Kinuha
nila ito at binasa. Ang nilalaman ng liham na mula
kay Maria:

Mahal kong tatay at mga kapatid:

Pasensya na kayo at hindi ko nasamahan ang nanay
sa pag-uwi riyan sa Pilipinas dahil napakamahal ng
pamasahe. Ang gastos ko pa lang sa kanya ay
mahigit $10,000 na. Ayoko nang isipin pa ang
eksaktong halaga. Anyway, ipinadala ko kasama ni
nanay ang mga
sumusunod... Nasa likod ni nanay ang dalawampu't
apat na karnenorte. And adidas na suot ni nanay ay
para kay tatay. Ang limang pares ng de-goma ay
nasa loob ng dalawang asul na Jansport na backpack
na inuunan ni nanay. Tig-iisa kayo. Ang
iba't-ibang klase ng tsokolate at candy ay nasa
puetan ni nanay. Para sa mga bata ito. Bahala na
kayong magparte-parte. Sana'y hindi matunaw ang
mga ito. Ang pokemon stuffed toy na yapos-yapos ni
nanay ay para sa bunso ni ate. Gift ko sa first
birthday ng bata. Ang itim na Esprit bag ay para
kay Nene, Ate, nasa loob ng bag
ang pictures ni inay, japanese version ng pokemon
trading cards at stickers.

Suot ni nanay ang tatlong Ralph Lauren, apat na
Gap at dalawang Old Navy t-shirts. Ang isa ay para
kay Kuya at tig-iisa ang mga pamangkin ko.
Maisusuot ninyo ang mga iyan sa fiesta. Suot din
ni inay ang anim na panty hose at tatlong warmer
para sa mga dalaga kong pamangkin. Isuot nyo sa party.

May isang dosenang NBA caps sa may paanan ni
nanay. Para sa inyo, itay, kuya, dikong, Tiyo
Romy. Bigyan nyo na rin ng tig- isa 'yung mga
pamangkin ko at 'yong isa ay kay Pareng Tulume. Ang
tigdadalawang pares ng Nike wristband at knee caps
na suot-suot din ni nanay ay para sa mga anak mo,
diko, na nagbabasketball.

Tigdadalawang ream ng Marlboro green at Winston
lights ang nasa
pagitan ng mga hita ni nanay. Apat na jar ng
Skippy Peanut Butter, dalawang dishwashing liquid,
isang Kiwi glass cleaner at tig-aanim na Colgate
at Aqua Fresh ang nakasiksik sa kilikili ni nanay.
Hati-hati na kayo, huwag mag-aagawan. Isang
dosenang Wonder bra na gustong-gusto ni Tiya
Iska, suot-suot din ni nanay. Alam kong
inaasam-asam nyo 'yan, tiya. Ang Rolex na
bilin-bilin mo tatay, suot-suot ni nanay. Kunin mo
agad, tatay. Ang hikaw, singsing at kuwintas (na
may nakakabit pang anim na nail cutters) na gustong-
gusto mo, ditse, ay suot-suot din ni nanay. Kunin
mo na rin agad,
ditse. Isang Ray Ban ladies sunglass na pabirthday
ko kay Ninang Berta, hindi ko ba pinasuot kay
nanay. Siniksik ko na lang sa may bandang ulunan
ni nanay. Nasa pink na plastik na maliit. Mga
Chanel at Champion na medyas, suot-suot din ni
nanay. Tig-iisa kayo, mga
pamangkin ko. Mga pampers, panty liners, cotton
buds, cotton balls, table napkins at mga scotch
brite na may foam ay natatakpan ng mga puting bath
towels...'yon bale ang pinangkutson ko sa kabaong
ni nanay. Marami-rami rin iyon. Parte-parte rin
kayo. Marami pa akong ipinagsisiksik kung
saan-saang parte gaya ng cafe, coffee creamer,
ilang vienna sausage na de lata, Barbie dolls,
toothbrush, paper cups, plastic spoon and pork,
paper at
Styrofoam plates, perfume, cologne, ballpens,
stationeries, envelopes, bar soaps,match box toys,
used t-shirts, hand towels, CD. VHS tapes,
padlock, tools gaya ng screw driver, plais, long
nose, atbp. Na hindi ko na na-itemize dahil
nagmamadali ako. Marami pa sana akong
ipaglalalagay kaya lang, baka mag-excess at si
nanay pa ang maiwan.

Basta parte-parte kayo, tatay, kuya, ate, dikong,
ditse. Para sa inyo lahat ito. Bahala na kayo kay
nanay. Pamimisahan ko na lang siya rito. Balitaan
ninyo na lang ako pagkatapos ng libing.
Paki-double check ang lista kung walang nawala sa
mga ipinadala ko.

Nagmamahal,
Maria

P.S. Pakibihisan ninyo agad si Nanay
Back to top Go down
http://www.pinoymania.forumtl.com
 
tawa na lang tayo...1
Back to top 
Page 1 of 1

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
PINOY MANIA FORUM SITE :: Pinoy Mania Entertainment Section :: Joke Mo! Post Mo!-
Jump to: