PINOY MANIA FORUM SITE
WELCOME TO PINOY MANIA FORUM!
NEW HERE? PLEASE REGISTER NOW!

45 SIGNS THAT YOU'RE A 90's KID Coolte16

MEMBERS PLEASE LOGIN
THANK YOU!
PINOY MANIA FORUM SITE
WELCOME TO PINOY MANIA FORUM!
NEW HERE? PLEASE REGISTER NOW!

45 SIGNS THAT YOU'RE A 90's KID Coolte16

MEMBERS PLEASE LOGIN
THANK YOU!
PINOY MANIA FORUM SITE
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.

PINOY MANIA FORUM SITE

POWERED BY: www.uzzapmania.evenweb.com
 
HomeLatest imagesGamesRegisterLog in

 

 45 SIGNS THAT YOU'RE A 90's KID

Go down 
AuthorMessage
Rubii Jiin
Administrator
Administrator
Rubii Jiin


Posts : 196
Join date : 01/12/2010
Age : 36
Location : Italy, Tacloban, MM1

45 SIGNS THAT YOU'RE A 90's KID Empty
PostSubject: 45 SIGNS THAT YOU'RE A 90's KID   45 SIGNS THAT YOU'RE A 90's KID Icon_minitimeTue Dec 07, 2010 7:54 pm

1. Masaya ka kapag naglalaro ka ng Tex at Pog. Kadalasan ang design dito ay yung mga palabas sa TV, mga drama o kaya anime, may dialogue pa. lol.

2. May comics pa ang bazooka. Kahit di mo maintindihan yung Fortune Cookie sa huli ay
collection mo pa rin yun.

3. Uso pa yung tirador, yung gawa talaga sa sanga ng puno.

4. Ang mga babae naglalaro ng paper dolls na tigpipiso bawat isang set sa sari-sari store.

5. Kung lalake ka, siguradong may pellet gun ka.

6. Humihingi ka ng dalawang piso sa magulang mo para maglaro ng video arcade sa sari-sari store. Favorite mo yung Sonic, Mario at Street Fighter at Tetris.

7. Nagwa-watusi ka kapag New Year kahit pinapagalitan ka ng nanay mo.

8. Meron kang sapatos na umiilaw yung swelas kapag iniaapak mo. Mas sikat kung iba-iba
yung kulay.

9. Merong at least isang Chicago Bulls na shirt sa bahay nyo. Madalas number 23 pa yung
nakalagay.

10. Pinapatulog ka ng yaya/nanay mo tuwing tanghali o hapon para raw lumaki. Hindi na kasi
pinapatulog ang mga bata ngayon tuwing tanghali di tulad nung panahon natin


11. Sinasabihan ka ng matatanda na may lalabas na pari o bigas sa sugat mo kapag hindi
nilagyan ng alcohol pero in the end, betadine lang ang magpapatahimik sa inyo.

12. Kung babae ka, nagkaroon ka ng butterfly hairclips/rings. (si Jolina ang nagpauso nito)

13. Kung medyo may pera ang pamilya nyo, nagpabili ka ng Polly Pocket.-

14. Naglalagay ka ng Kisses (yung mabango) sa pencil case mo, o kaya sa isang lalagyan na may bulak, alcohol at tinutusok ng karayom para mabilis manganak.

15. May free stickers ng Disney movies sa loob ng Maggi noodles.

16. Pinapatunog mo yung takip ng Gatorade.

17. Ang mga stationeries na uso: Papemelroti, Tsukuba, Sashikibuta. Pwedeng ibenta,
pwedeng trade lang.

18. Pampalipas oras mo dati ang paglalaro ng Brick Game, at swerte yung mga may
advanced version na may tumatagos na blocks para mapuno na yung gap sa loob. Mas advanced ka kung Tamagotchi ang nilalaro mo. Pinapakain mo, pinapatulog mo, at inililibing mo kung namatay na. At kung talagang kaya nyong bumili, Game Boy ang sayo. Pero kung wala ka talaga, yung laruan na lang na may tubig sa loob tapos dapat ma-shoot mo yung mga bilog sa stick na maliit. kahit ngayon naeelib pa rin ako sa mga bilog na yun sa tubig.

19. Bago magsimula ang klase, nakikilaro ka muna sa 10-20, jackstone, langit lupa, ice water, taguan, dr. quack quack, tumbang preso, pepsi seven up at agawan base. Di bale nang madumi na ang uniform mo pagpasok ng classroom.

20. Sinasabi mo sa kaklase mo na “Liars go to hell” kapag tingin mo nagsisinungaling sya. “Cross my heart, hope to die” kapag nangangako ka. “Period no erase” kapag gusto mo walang kumontra sayo. Kaya lang wala kang lusot kapag sinabi ng kaklase mo na “Akin yung factory ng pambura”.

21. Sikat ka pag ang pencil case mo nabubuksan sa dalawang side tapos maraming
attachments like magnifying lens, book stand, compartments na maliliit tapos push button
pa. Minsan sa ibabaw ng pencil case meron pang maze, may maliit na silver na bola tapos
itatagilid mo yung pencil case para gumulong yun, hanggang sa matapos yung maze.

22. Di ka baduy kung ang notebook mo nung elementary ay may mukha ng artista.-

23. Sa coolman mo inilalagay ang tubig na baon mo sa school.

24. Nagpabili ka ng Baby-G sa magulang mo.


25. Sumasayaw ka ng Macarena.


26. Alam mo ang kanta ng Spice Girls at may favorite ka sa kanila. Kung fan ka talaga, may
poster ka pa at casette tape ka pa nila.

27. Malamang ay naging fanatic ka ng isa sa mga sumikat na boy bands.


28.. Tape pa ang uso, di CD or MP3 players. Pag gusto mo yung kanta kailangan tantyahin
mo kung ilang seconds i-rewind yun para mabilis paulit-ulitin.

29. Kinakanta nyo dati sa school yung “Heal the World”, “Tell the World of His Love”, “Jubilee
Song”, etc.


30. Nanonood ka dati ng Power Rangers, Captain Planet o Ninja Turtles. Nagkukunyari pa
kayo ng mga kaibigan mo na kayo yun at nagkakasipaan kayo.

31. Di ka papagalitan ng magulang kahit magbabad ka sa TV, basta ang pinapanood mo ay
Hiraya Manawari, Bayani at Sine Skwela, kung saan nakilala mo sila Teacher Waki, Ugat
Puno, Palikpik, at ang buong barkada nila lalo na kapag nakasakay sila sa space ship o sa jeep na lumilipad.

32. Sinubaybayan mo ang Ghost Fighter at ang Dragon Ball. Naging favorite mo si Eugene at
si Goku.

33. Niloloko mo yung theme song ng Voltes V kasi di mo maintindihan yung theme song:
“Tato ni Ara Mina malaking cobra…”, “Boltes Payb lima sila, pumunta sa kubeta…”,
“…Kontra Bulate!”-:)))))


34. Sinubaybayan mo ang Sarah ang Munting Prinsesa, Julio at Julia, at Cedi. Pinanood mo
pa nga yung movie version ng Sarah ang Munting Prinsesa with Camille Prats. –

35. Alam mo din yung “Ang Pulubi at ang Prinsesa” with Camille Prats and Angelica
Panganiban.

36. Gusto mong sumali sa ANG TV. Pero alam mong hindi na pwede. kaya kuntento ka na
lang sa panonood nito tuwing 4:30 ng hapon.

37. Batibot ang usong palabas. Akala mo nga mag-dyowa o mag-asawa sina Kuya Bodjie at Ate Sheena.

38. Napanood mo ang Batang X.

39. Nanonood ka ng kahit alin dito: “Okay Ka Fairy Ko”, “Oki Doki Doc”, “Abangan ang Susunod na Kabanata”, “Palibhasa Lalake”, “Ober da Bakod”, at “Home Along Da Riles”.

40. Mga love teams na nagpakilig sayo: Juday and Wowie. Jolina and Marvin.

41. Kinakanta mo yung “Thank God it’s Sabado, pati na rin Linggo…” at “Isa pa, isa pa, isa pang Chicken Joy”.

42. Nasa channel 2 pa ang Eat Bulaga


43. Matapang ka kung napanood mo lahat ng Shake, Rattle and Roll movies.


44. Nasa VHS yung mga movies na pinapanood ninyo sa bahay.

45. Kung babae ka, naging crush mo si Leonardo di Caprio dahil sa Titanic. Kaya nga lang, bawal ka pa tumingin sa kissing scenes nina Jack at Rose.
Back to top Go down
https://www.facebook.com/home.php?#!/profile.php?id=1000007010479
 
45 SIGNS THAT YOU'RE A 90's KID
Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» SIGNS THAT YOU ARE A PERVERT

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
PINOY MANIA FORUM SITE :: Pinoy Mania Literature :: Articles-
Jump to: