PINOY MANIA FORUM SITE
WELCOME TO PINOY MANIA FORUM!
NEW HERE? PLEASE REGISTER NOW!

ANG MGA LALAKI TALAGA, OO. (Roadfill's Blog) Coolte16

MEMBERS PLEASE LOGIN
THANK YOU!
PINOY MANIA FORUM SITE
WELCOME TO PINOY MANIA FORUM!
NEW HERE? PLEASE REGISTER NOW!

ANG MGA LALAKI TALAGA, OO. (Roadfill's Blog) Coolte16

MEMBERS PLEASE LOGIN
THANK YOU!
PINOY MANIA FORUM SITE
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.

PINOY MANIA FORUM SITE

POWERED BY: www.uzzapmania.evenweb.com
 
HomeLatest imagesGamesRegisterLog in

 

 ANG MGA LALAKI TALAGA, OO. (Roadfill's Blog)

Go down 
AuthorMessage
Rubii Jiin
Administrator
Administrator
Rubii Jiin


Posts : 196
Join date : 01/12/2010
Age : 36
Location : Italy, Tacloban, MM1

ANG MGA LALAKI TALAGA, OO. (Roadfill's Blog) Empty
PostSubject: ANG MGA LALAKI TALAGA, OO. (Roadfill's Blog)   ANG MGA LALAKI TALAGA, OO. (Roadfill's Blog) Icon_minitimeTue Dec 07, 2010 7:11 pm

Kapag ngumiti ka na ng konti, nag-ayos ng konti pagkakamalan ka nang malandi.
Hindi pangseryosohang relasyon.

Marinig lang nila na malakas kang magsalita, palengkera ka na.
T.O. kagad sa kanila iyon.

Mahilig silang tumingin sa mga babaeng sexy manamit, kulang nalang makita na kaluluwa.
Pero kapag babaeng seryosohin at gustong ligawan dapat disente, dapat mala-anghel ang mukha, dapat mukhang inosente.
Tapos kami pa raw ang mahilig mamili? Parang baliktad yata?

Ok, ayan nanliligaw na si lalake.
Dapat pakipot ka para suyuin ka, para habulin ka pa lalo.

Kapag hindi ka naman nagpakipot “easy to get” naman ang tingin sa iyo.
Hindi ka na seseryosohin.

Sino bang may sabing magpaalila kayo, di naman namin hawak ang buhay niyo.
Natural lang na magtiis kayo, may gusto kayo sa amin eh.
Kapag nakuha niyo na iyon wala na lahat ng mga paghihirap niyo, babaliktad na ang sitwasyon kami naman ang mamromroblema.
Para lang kayong may gustong bilhin na bagay. Upang mabili ito kailangan munang magsakripisyo, magtipid, magtiis.
Pag nabili na at mapagsawaan wala na, balewala na. Diyan ka na sa tabi-tabi.
“Tawagan nalang kita pag trip ko o kaya’y pag may gusto akong ipagawa sa iyo.”

Ano pa ba? E di sinagot mo na diba. Utang na loob pa natin yun.
Dahil naghirap daw sila sa panliligaw dapat masuklian natin iyon ng higit pa.
Sa umpisa kailangan malambing ka, maayos at laging magsisilbi sa kanya.
Ayaw daw nilang humawak ng relasyon, pero kapag ikaw naman ang nagmando, aba, masasakal naman. Sasabihin pa sa iyo ”demanding” ka.
Meron ka pang maririnig na “I think we need space” at kung anu-ano pang ek-ek.

Sino rin may sabing dapat kami magpakabait, maging devoted at faithful?
Kapag kami ang sumaway niyang mga iyan, iba na ang tingin sa amin.
Malandi na kami, haliparot, pakawala, makikay at kung anu-ano pang mga bansag ang itatawag sa amin Kapag kayo gumawa noon, ok lang. Lalake kayo eh, macho kayo pag ginawa niyo yon.
Kaya kami, walang magawa. Magpapakaburo at magpapakamadre nalang.
Kapag nagloko na kayo ano pa bang magagawa namin? Eh di iiyak nalang.
Wala namang ibang magagawa eh.

Tungkol naman sa tinatawag niyong pagdedemand namin. Hindi kami nagdedemand! Karapatan lang namin iyon.

Karapatan namin na lambingin niyo kami, icheck at ipakita sa amin na mahal niyo kami.

Hindi rin ibig sabihin na mas sincere kayo sa amin. Seryoso rin naman kami ah. At ang maturity wala yan sa edad. Mas maaga nga kaming magmature sa inyo. Ang isang 19 year old na lalake eh, isip 15 pa yun. It follows sa lahat ng age group. Mas mataas pa nga kung minsan ang pagbawas ng level of maturity. Kayo na ang mag-math. Pati yung pag-iyak namin pinupuntirya niyo. Kesyo drama daw. Diba kapag umiyak ka nagbuhos ka ng emosyon diyan. Ano tingin niyo sa amin mgaartista?!

Alam niyo iyon? Yun bang kulang nalang ay lumuha ka na ng dugo, pero hindi ka pa rin papansinin. Sasabihan ka pang tigilan na ang pagdradrama. Hindi nila kami maiintindihan kapag nagseselos kami.Bakit naman kami magseselos kung wala kaming nakikita? Mas iba kaming magmahal. Mas masarap..

Kapag natapos na ang lambingan, eh di siyempre iwanan blues na.
Kami pa raw ang nagsawa, kami pa raw ang nagtritrip lang. Sino ba ang lumalayas kapag may nakita nang bago, sino ba ang mayabang, sino ba ang nagmamalaki? Kami ba? Kami ang walang choice.

Kasi ang babae pag sinabing “break na tayo” lambingin lang iyan ng konti balikan blues na iyan.
Kapag ang lalake ang umayaw, pucha,bahala ka diyan. Kahit mag-tumbling ka pa sa harap niya. Wa-epek. Umiyak ka ng bato. Wa-epek. Tsk, tsk, tsk.
Tapos sila pa raw ang kawawa?
Post-break up, mahal pa ng babae si lalaki. Sasamantalahin ni lalaki.
Magpapagawa ng kung anu-ano. Naaalala ka lang kapag may kailangan sa iyo.
Kapag pumangit ka after the break up, magpapasalamat sila na iniwan ka nila.
Kapag gumanda ka naman, ipagkakalat nila sa buong sangkatauhan na naging girlfriend ka niya.
Sala sa init sala sa lamig talaga.

Ano ba namang buhay to? Ang hirap ding maging babae ano. Kala nila laging sila nalang. Lagi rin kaming naiiwan sa ere. In-love din kami.

Ang mga lalake talaga, oo.
Back to top Go down
https://www.facebook.com/home.php?#!/profile.php?id=1000007010479
 
ANG MGA LALAKI TALAGA, OO. (Roadfill's Blog)
Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» BABAE NGA NAMAN (Roadfill's blog)
» minsan talaga
» Ang Mga Lalake Talaga oo..
» MAY NANANALO BA TALAGA SA LOTTO???
» Wala Lang - Ano ba talaga ang ibig sabihin?

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
PINOY MANIA FORUM SITE :: Pinoy Mania Chikahan Section :: Love and Romance-
Jump to: