PINOY MANIA FORUM SITE
WELCOME TO PINOY MANIA FORUM!
NEW HERE? PLEASE REGISTER NOW!

EDSA REVOLUTION Coolte16

MEMBERS PLEASE LOGIN
THANK YOU!
PINOY MANIA FORUM SITE
WELCOME TO PINOY MANIA FORUM!
NEW HERE? PLEASE REGISTER NOW!

EDSA REVOLUTION Coolte16

MEMBERS PLEASE LOGIN
THANK YOU!
PINOY MANIA FORUM SITE
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.

PINOY MANIA FORUM SITE

POWERED BY: www.uzzapmania.evenweb.com
 
HomeLatest imagesGamesRegisterLog in

 

 EDSA REVOLUTION

Go down 
AuthorMessage
`LoCO|XhuN
Administrator
Administrator
avatar


Posts : 111
Join date : 05/02/2011
Age : 35
Location : C:\Windows\System32\LoCO|XhuN-bin.exe

EDSA REVOLUTION Empty
PostSubject: EDSA REVOLUTION   EDSA REVOLUTION Icon_minitimeThu Feb 17, 2011 10:02 am

Kasaysayan

Nahalal si Ferdinand Marcos bilang pangulo ng Pilipinas noong 1965, at natalo niya si Diosdado Macapagal na noon ay kasalukuyang nakaupo bilang Pangulo. Sa ilalim ng kanyang pamumuno naging aktibo si Marcos sa mga proyektong imprastraktura, agrikultura at pampublikong serbisyo na nagdala sa Pilipinas sa pinansyal na kasaganahan. Sa kabila ng bali-balita ng dayaan sa eleksyon, nahalal muli si Marcos noong 1969, at natalo niya si Sergio Osmeña Jr.

Maraming mga alegasyon ng katiwalian ang lumitaw sa kanyang ikalawang termino ng kanyang pamumuno. Maraming mga tao ang naghirap, at dahil dito tumaas ang kaso ng krimen at mga kaguluhan sa bansa. Ito ang naging dahilan sa pagbuo ng mga rebeldeng grupo katulad ng New People's Army (NPA), at ng Moro Islamic Liberation Front na naglalayon na magkaroon ng isang hiwalay na bansa mula sa Pilipinas.

Hindi na puwedeng tumakbo sa kandidatura si Marcos para sa halalan sa 1973. Dahil dito, noong Setyembre 21, 1972, sa pamamagitan ng Proklamasyon 1081, nilagay ni Marcos ang buong bansa sa ilalim ng Batas Militar. Dinahilan niya dito ang lumalaganap na kaguluhan sa bansa. Sa ilalim ng batas militar, pinasara ang lahat ng mga institusyon ng midya, at ang ilan sa kanila ay kinuha ng gobyerno. Ang tangi lamang na tumatakbong mga pahayagan noon ay ang Daily Express at ang Manila Bulletin na noon ay tinatawag na Bulletin Today. Ang mga estasyon ng telebisyon na siyang pinapasahimpapawid lamang ay ang Channel 4 at Channel 2, na dating pag-mamay-ari ng mga Lopez. Marami din sa mga kritiko ni Marcos ang pinahuli, ang isa sa mga pinakakilala sa kanila ay si Benigno Aquino, na isang senador sa oposisyon at ang tinuturing na pinakamainit na kritiko ni Marcos.

EDSA REVOLUTION 220px-Ferdinand_Marcos


Pagpaslang kay Ninoy Aquino

Lumuwas ng Estados Unidos si Ninoy Aquino noong 1981 dahil sa kanyang kalusugan at dahil na rin sa kanyang seguridad. Makalipas ang tatlong taon, noong taong 1983, ipinahayag ni Aquino ang kanyang kagustuhang makabalik sa Pilipinas, kahit na marami sa kanyang mga kaibigan at tagasuporta ang tutol dito.

Noong Agosto 21, 1983, pinaslang si Aquino habang siya ay papalabas ng isang eroplano sa Manila International Airport (na ngayon ay pinangalan sa kaniya).[1] Nagdulot ito ng malaking galit sa mga Pilipino, na karamihan ay wala nang tiwala sa administrasyong Marcos. Maraming paraan ng kilos protesta ang ginawa, kabilang na ang civil disobedience. Noong panahon ding iyon, nagsisimula nang humina ang kalusugan ni Marcos dahil sa kaniyang karamdaman na Lupus.

Noong 1984, inatasan ni Marcos ang isang komisyon, sa pamumuno ng Punong Hurado Enrique Fernando, na magsagawa ng imbestigasyon sa pagpaslang kay Aquino. Ayon sa kanilang huling report, ang mga militar ang tunay na sangkot sa nasabing pagpaslang. Naging malaki itong dagok sa pabagsak nang pamahalaan.

Ang nasabing pagpaslang, kabilang na ang ibang mga suliranin, ang mas lalo pang nagpalubog sa Pilipinas sa isang krisis pang-ekonomiya. Ang ekonomiya ng bansa ay lumiit hanggang sa 6.8%.


EDSA REVOLUTION 220px-August_21%2C_1983_-_Aquino_Shot_Dead%21

Ang Rebolusyon sa EDSA

Dahil na rin sa mga balita ng malawakang pandaraya sa eleksyon, nagbalak ang ilang mga sundalo sa pamumuno ng noon ay Kalihim ng Pambansang Depensa, si Juan Ponce Enrile, na pabagsakin ang pamahalaang Marcos. Sa kasamaang palad, nalaman ni Marcos ang balak na ito, at agad na pinag-utos niya ang pagdakip sa mga pinuno nito. Dahil nahaharap siya sa napipintong pagdakip sa kaniya, humingi ng tulong si Enrile sa AFP Vice- Chief of Staff na si Lt Gen Fidel Ramos. Pumayag si Ramos na magbitiw sa kaniyang puwesto at sinuportahan ang mga rebeldeng sundalo. Kinausap din ni Enrile ang Arsobispo Katoliko ng Maynila na si Jaime Cardinal Sin para sa suporta.

Noong 6:30 ng gabi nagkaroon ng press conference si Enrile at Ramos sa Kampo Aguinaldo. Ipinahayag nila ang kanilang pagbibitiw sa puwesto sa gabinete ni Marcos at ang kanilang pagtiwalag sa suporta ng gobyerno. Nagpatawag din ng sariling press conference si Marcos at sinabi niya kay Ramos at Enrile na sumuko na lang, at "tigilan ang kamangmangang ito."[7]

Bandang ika-siyam ng gabi, sa pamamagitan ng Radio Veritas na pinapatakbo ng Romano Katoliko, nanawagan si Cardinal Sin sa mga taong bayan na pumunta sa EDSA para suportahan ang mga rebeldeng sundalo sa Kampo Crame at Kampo Aguinaldo sa pamamagitan ng iba't ibang bagay na makakatulong sa kanila, tulad ng pagbibigay ng pagkain at ng iba pa nilang pangangailangan. Sa kabila ng kapahamakan na maaaring dumating sa kanila laban sa puwersa ng gobyerno, nagpunta ang mga sibilyan, maging ang mga madre at pari, sa EDSA.

Malaki ang bahagi ng Radio Veritas sa rebolusyong ito. Ayon sa dating pangulo ng Unibersidad ng Pilipinas na si Francisco Nemenzo, magiging imposible na hikayatin ang mga tao na makilahok sa rebolusyong ito sa ilang oras lamang kung wala ang Radio Veritas.


ANG LUMALAKING SUPORTA NG MASA

Noong madaling araw ng Linggo,Pebrero 23, 1986 pumunta ang mga sundalo ng gobyerno para wasakin ang transmitter ng Radio Veritas, at dahil doon marami ang mga tao sa probinsya ang hindi makasagap ng impormasyon. Dahil dito napilitan ang estasyon na gamitin ang pangalawa (backup) nitong transmitter na mayroong mas maliit na sakop ng brodkast. Naisipan ng gobyerno na gawin ang aksyong ito dahil mahalaga ang Radio Veritas sa pakikipagtalastasan sa mga tao na sumusuporta sa mga rebeldeng sundalo. Ang estasyong ito ay nagbibigay impormasyon tungkol sa mga pinakahuling galaw ng sundalo ng pamahalaan at ito din ang nagsisilbing daan upang manawagan sa pangangailangan ng pagkain, gamot at mga suplay.

Sa kabila nito, marami pa rin ang mga tao na dumagsa sa EDSA. Umabot sa daang libo ang mga tao na walang dalang ibang sandata. Ang ilan sa kanila ay may dala ng rosaryo at imahe ng Birheng Maria. Marami ang nakilahok sa malawakang pagdarasal (prayer vigil) sa pamumuno ng mga pari at madre. Marami naman ang gumawa ng mga harang o barikada gamit ang mga sako ng buhangin at mga sasakyan sa mga kanto sa kahabaan ng EDSA katulad ng Santolan at Ortigas Ave. Marami ding grupo ang kumanta ng "Bayan Ko", na, simula pa noong 1980 ito ang naging makabayang awit ng oposisyon. Marami ding tao ang gumamit ng sagisag pang-kamay (hand sign) ng LABAN ; na ang hinlalaki at hintuturo ay bubuo ng letrang "L".

Noong araw ding iyon bumisita ang dalawang rebeldeng pinuno sa kabilang kampo. Tumawid si Enrile sa EDSA mula Kampo Aguinaldo hanggang Kampo Crame sa pagitan ng mga maraming tao na nagsusuporta sa kanila.

Binalita ng Radio Veritas noong hapon na iyon na may mga batalyon ng Marines na papunta sa dalawang mga kampo sa silangan, at mga tangke na papunta mula sa hilaga at timog. Dalawang kilometro mula sa mga kampo, hinarang ng libo-libong mga tao ang isang batalyon ng tangke na nasa pamumuno ni Brigadier General Artemio Tadar sa Ortigas Ave. Nagsiluhuran ang mga madre at nagdasal ng rosaryo, at nagkapit-bisig ang mga tao para harangin ang mga sundaloSa kabila ng banta ni Tadar sa mga tao ay hindi sila umalis. Walang nagawa ang mga sundalo sa situwasyon, at di nagtagal umurong na lang sila ng hindi man lang nagpapaputok.

Noong gabing iyon ay bumigay na rin ang transmitter ng Radio Veritas. Bandang hatinggabi ay lumipat ang mga staff sa isang lihim na lugar para magpatuloy sa pagbo-broadcast, sa ilalim ng pangalang Radyo Bandido. Si June Keithley ang brodkaster na nagpatuloy sa programa ng Radio Veritas sa bagong estasyon sa nalalabing mga araw ng rebolusyon.


EDSA REVOLUTION EDSA2EDSA REVOLUTION Edsa+talo


`CREDITS TO WIKIPEDIA FOR THIS WONDERFUL ARTICLE.
Back to top Go down
http://www.xconclanfamily.forumtl.com
 
EDSA REVOLUTION
Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» EDSA Revolution

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
PINOY MANIA FORUM SITE :: Pinoy Mania Literature :: Articles-
Jump to: