PINOY MANIA FORUM SITE
WELCOME TO PINOY MANIA FORUM!
NEW HERE? PLEASE REGISTER NOW!


MEMBERS PLEASE LOGIN
THANK YOU!

PINOY MANIA FORUM SITE

POWERED BY: www.uzzapmania.evenweb.com
 
HomeGamesFAQRegisterLog in

Share | 
 

 PGH Jokes PInoy!!

Go down 
AuthorMessage
mr.like
Moderator
Moderator
avatar

Posts : 257
Join date : 24/12/2010
Age : 24
Location : blk6 lot31 medna ville bf ave san isidro angono rizal

PostSubject: PGH Jokes PInoy!!   Sat Jan 08, 2011 9:23 pm

*******

Sa PGH, may tinatawag na Central Block. Nandoon ang Radiology
Department
kung saan ginagawa ang mga X-rays, Ultrasound, CT Scan at Radiotherapy.
Dito ko naobserbahan ang evolution ng mga pinoy medical terms. May mga
pasyente o bantay na aking nasasalubong, ang madalas magtanong ng
direksyon. Mga Versions ng CT Scan:

1 . "Dok saan po ba ang Siete Scan?"
2. "Doc saan po ba magpapa-CT Skull"
3. "Doc saan po ba CT Scalp"
4. "Doc saan po ang CT Scam?"

**********

Madalas akong mapagtanungan ng direction papunta sa Cobalt Room. "Doc
saan po ba ang Cobal" Yes, laging walang T. Marami ang gumagamit sa
term
na Cobal. Saan napunta ang "T". Marami din kasing nagtatanong, "Doc,
saan po ba ang papuntang X-Tray?"
Conclusion: Ang "T" ng Cobalt, ay napunta sa X-Tray.

*********

7:00 am. Nagbigay ang kasamahan kong doktor ng Instruction sa bantay ng
pasyente, "Mister, punta po kayo sa Central Block at
magpa-schedule
kayo ng X-ray ng pasyente ninyo." 3:00 pm. Kadarating lang ng bantay.
Nagalit na ang Doktor, "Mister, bakit namang napakatagal ninyong
bumalik? >Pina-schedule ko lang naman ang X-ray ah." Sumagot ang
bantay, "Eh kasi po Doc, ang tagal kong naghintay sa gate, haggang
sabihin ng guwardiya
na
sarado daw po ang Central Bank kasi Sabado ngayon." (Nasa Roxas Blvd
ang
Bangko Sentral ng Pilipinas, at sarado nga naman yon kapag Sabado)!

***********

Nang mag-rotate ako as intern sa Pediatrics ng PGH, mahal na mahal
talaga ng mga nanay ang kanilang mga anak na may sakit. Pilit nilang
tinatandaan ang mga gamot at tawag sa sakit ng kanilang anak.
Doktor: "Mrs. ano po ang mga gamot na iniinom ng anak niyo?" Mrs 1 :
"Doc phenobarbiedoll po."
Doktor: "Ah baka po phenobarbital. " (Gamot sa convulsion ang
phenobarbital)

**********

Doktor: "Mrs. ano po ba ang antibiotic na iniinom ng anak ninyo?" Mrs
2:
"Doc metromanilazole po."
Doktor: "Ah baka po metronidazole. " (Gamot sa amoeba ang
metronidazole)

************

Ang tawag sa recovery room ng PGH ay PACU (Post-Anesthesia Care Unit)
Doktor: "Mrs., tapos na po ang operasyong ng anak ninyo, punta na Po
kayo sa PACU. Mrs 3: "Eh Doc, saan po sa Paco? Sa may simbahan po ba o
sa may pal engke?

***********

Doktor: "Mrs. ano po ba ang sinabi ng dating doktor kung ano daw ang
sakit ng inyong anak?" Mrs 4: "Eh Doc sabi po niya Tragedy of Fallot.
Doktor: "Ah baka po Tetralogy of Fallot (Isang Congenital Heart Disease
ang Tetralogy of Fallot)

************

Biglang nagtatarang ang isang nanay at sumigaw.
Mrs: "Scissors! Scissors! Nag-sciscissors ang anak ko, Doc!"
Doktor: "Nurse, diazepam please, nag-seizure ang pasyente!"

*************

Doktor: "Mrs. ano daw po ba ang sakit ng anak ninyo?"
Mrs. 6 : May ketong daw po.
In-examine ng doktor ang balat ng pasyente. Wala siyang makitang
senyales ng ketong. Tumawag pa siya ng isang Dermatologist para
mag-examine nang husto. Wala talaga.
Doktor: "Mrs. sigurado po ba kayong ketong ang Sakit ng bata?" Mrs :
"Eh
iyon po ang sabi ng doktor niya dati. Mataas daw po ang ketong sa ihi
dahil may diabetes."
Doktor: "Ah ketone po yon! (Ang positive ketone sa Ihi ay senyales ng
kumplikasyon ng diabetes.)

**************

Doktor: (Sa buntis na mrs. na nagle-labor) "Mrs.pumutok na po ba ang
panubigan mo?" Mrs:"Eh Doc, wala naman po akong narinig na pagsabog."
(Hanep!):readrule:
Back to top Go down
http://www.pinoymania.forumtl.com
 
PGH Jokes PInoy!!
Back to top 
Page 1 of 1

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
PINOY MANIA FORUM SITE :: Pinoy Mania Entertainment Section :: Joke Mo! Post Mo!-
Jump to: